Friday, February 27, 2009

pagpaparetoke ng mga artista







Mga Mananaliksik:



Ang, Nicole Frances P.
Centeno, Katrina E.
Cuevas, Christiana Patricia O.
Garcia, April Anne K.
Calaquian, Donatello B.
1- Cpm (S.Y. 2008- 2009)






I. Introduksyon
A. Panukalang Pahayag

Pagpaparetoke ang nakakatulong sa pagsikat ng isang artista sa Pilipinas.

B.Introduksyon/ Paglalahad ng suluranin

1. Pagtukoy sa Paksa
ang paksa ng pananaliksik ay pagpapatunay sa epekto ng pagpaparetoke ng mga artista sa kanilang kasikatan.

2. Paglalahad ng suliranin
A.Nakakatulong ba ang pagpaparetoke sa pagsikat ng isang artista ang pagpaparetoke?
B.Malaki ba ang ginagastos ng mga artista sa pagpaparetoke?

3. Kaligirang paksa o suliranin
Paghahanap ng mga artistang ngparetoke ng ano mang bahagi ng kanilang katawan.

4. Personal o panlipunang udyok sa pagpili ng paksa.
Pinili ng mga mananaliksik ang paksang ito, dahil naging interesado ang mga mananaliksik sa pagtuklas ng buhay ng mga artistang nagpaparetoke.
Gusto ko rin naming malaman kung malaki ba ang ginagastos nila sa prosesong ito.

C.Rebyu/Pagaaral
Mga Artikulo at Balita tungkol sa pagpaparetoke ni Ruel Mendoza

D. Layunin
1. Pangkalahatan
Layunin ng pagaaral na ito na mapatunayan kung nakakabuti ang pagpaparetoke ng isang artista sa kanyang pagsikat.

2. Tiyak
Layunin ng pagaaral na ito na malaman ang buhay ng mga artista matapos silang magparetoke, kung mas binibigyang pansin ba sila ng kanilang mga taga hanga o hindi.

E.Halaga
Ang proyektong ito ay malaki ang maitutulong sa mga artistang nakipagsapalaran sa pagpaparetoke at sa mga cosmetologists.

F. Konseptuwal na Balangkas


simpleng buhay---> pagiging artista---> pagpaparetoke---> tagumpay

Maraming tao ngayon ang naghahangad ng magandang buhay. Mga simpleng tao na naghahangad makilala at sumikat. Lahat ng bagay ay sinusubukan. Halimbawa na lamang, mga taong sumasali sa paligsahan sa telebisyon. Nabibigyan sila ng kaunting pag-asa na malaki ang matutulong nito sa kanilang buhay. At may posibilidad na sila ay sumikat at maging artista. At habang tumatagal ay hindi sila bumabata kundi sila ay tumatanda. At isa sa solusyon nila na mapanatili and kasikatan dahil sa propesyon ay nagpaparetoke sila. Iniisip nila na ito ay isa sa mga dahilan upang mapanatili ang kasikatan.

G. Metodolohiya
Ang pananaliksik na ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng pag- aayos ng “appointment” sa artistang nais makapanayam. Ang mga mananaliksik ay kukuha din ng mga artikulo sa internet at sa libro.

H. Saklaw/ Delimitasyon
Pagpaparetoke ng artista sa Pilipinas ang tuon ng pananaliksik. Maaring kausapin ng mga mananaliksik ang mismong nagretoke sa artista at itanong kung paano ang proseso ng pagretoke at kung maganda ba ang maidudulot nito sa artista.

I.Daloy ng Pag- aaral
Sa unang kabanata ay ipinapaliwanag ng husto ang pangkalahatan ukol sa pagpaparetoke ng mga artista sa Pilipinas, ang mga kailangan malaman at mga tanong batay sa pagpaparetoke ng mga artista sa Pilipinas.

Sa ikalawang bahagi naman ay makikita na ang mga datos at impormasyon ng mga mananaliksik. Malalaman na sa bahagi na ito ang mga dahilan kung bakit ito ginagawa ng mga artista sa Pilipinas.

Sa huling bahagi ay lumalabas ang kritikal na pagsusuri ng mga mananaliksik. Makikita din dito ang konklusyon at rekomendasyon ng mga mananaliksik kung sumasang- ayon ba sila sa prosesong ito.

I. Plastikan sa Showbiz

A. Introduksyon ng paksa

Ang pagpaparetoke ay isang maselang proseso o paraan upang mabago ang sarili. Ito ay isang napakamahal ng proseso na pinagkakagastusan talaga ng mga artista. Sila ngayon ay dumadaan sa ganitong klase na paraan upang mapaganda at mapaayos ang kanilang mukha o di kaya’y paraan nila ito upang pumayat. Mas gusto ng mga artista ang mabago ang kanilang sarili kaysa tangkilikin na lamang ang kanilang natural na sarili.

Ang “cosmetic surgery” ay may mga negatibong epektong naidudulot sa katawan o sa paiisip ng nagparetoke. Puwede ito magdulot ng inpeksyon, at maari din itong makasira sa porma ng katawan kapaga hindi naging maayos ang prosesong ginawa. Ang prosesong ito pinangarap ng lahat ngunit kadalasang ito’y nagiging isang bangungot sa iba dahil nagiging palpak ang paggawa ng mga doctor na hindi lisensyado. Ang pagpaparetoke ang naging “in” na sa heneresyon ngayon. Tanyag ito sa mga sikat na artista sa indsutriya maging sa mga mayayamang tao at pati na rin sa mga nasa klass b ay naeenganyo na din sa pagreretoke. Madami din naming benepisyo ang pagpaparetoke dahil gaganda nga naman ang iyong pan labas na kaanyuan at gumganda ang aura ng isang tao.

Liposuction, breast augmentation, nose lift at kung ano pang pagpaparetoke.Sa panahon ngayon, ordinaryo na lang ang ganitong mga procedure para makamit ang minimithing itsura. Pero may ilan na hindi na makuntento sa minsanang pagpaparetoke at ito ay nauuwi sa adiksyon.

B. Presentasyon ng mga Datos

Ang unang artista na itatalakay ng mga mananaliksik ay si Rachelle Ann Go, ipinaretoke niya ang kaniyang ilong upang maging kaaya- aya ito sa kanilang paningin. Pagkatapos ng proseso na iyon mas gumanda ang takbo ng pag- aartista ni Rachelle, mas tumaas ang kanyang “self – esteem” kumanta. Ang pangalawang artista naman ay si Pops Fernandez sa pagpapagawa niya ng kaniyang labi. Simula ng pinaayos niya ang kaniyang labi ay masyado na niya itong pinapahalagahan. Nagkaroon muli siya ng mga palabas at naging “active” na siya muli. Ang pangatlong artista ay si Ruffa Mae Quinto nagsimula siya sa industriya ng pa extra extra lamang ngunit nang ayusin ang mukha niya at ang kaniyang dibdib ay unti unti na siyang sumikat hanggang sa kasalukuyan ay isa siya sa hinahangaang artista ng karamihan. Ang pang- apat naman ay si Sarah Geronimo noong una pa lamang ay batang bata kumilos at umayos ngunit ng hawakan na ni Dra. Belo ay unti unti ng lumalabas ang kaniyang tunay na kagandahan. Simula nun ay sunod sunod na ang kaniyang mga paglabas sa telebisyon at sa kasalukuyan ay napakaasensado na ng kaniyang “career”. Ang panglima ay si Jonalyn Viray. Noong nanalo siya sa Pinoy Pop Superstar ay maraming nagsasabi na wala siyang dating sa publiko ngunit nung ipinaretoke niya ang kaniyang ilong ay lalong umusbong ang kaniyang “career” kasalukuyan siyang napapanood tuwing linggo sa SOP.

II. Pagsusuri sa mga Plastik ng showbiz

A. Kritikal na pagsusuri sa mga datos

Ayon sa aming nakalap na datos ang pagpaparetoke ng artista ay talagang nakaktulong sa kanilang pagsikat. Maging mabuti man o masama ang maidudulot nito sa kanila ay nagiging balita pa din sila sa mga pahayagan at mga balita sa tv. Talagang mas nagiging tanyag pa din sila nakakararami. Hindi din pala gaano kalaki ang kanilang na gagastos sa kanilang pagpaparetoke, dahil may mga isponsor naman sila. Ang gagawin na lamang nila ay ang pageendorso ng mga produkto at mga serbisyo ng kanilang mga “Health and Beauty Clinics.” Ang panlabas na anyo ay importante sa kanila kaya ginagwa nila ang lahat upang mapanatili ang kanilang “good looks” sa mata ng lahat.

B. Kongklusyon

Ayon sa nakalap na datos ng mga mananaliksik ang pagpaparetoke ng mga artista dito sa Pilipinas ay malaki ang naitutulong sa kanilang pagsikat. Ang pagpaparetoke ay nagbibigay sa artista ng panibagong awra para sa publiko at nakapagpapalakas pa ito ng kanilang mga loob upang gawing ang ninanais ng publiko sa kanila.




C. Rekomendasyon

· Para sa mga mananaliksik, isa itong “public awareness” upang malaman ng mga tao ang totoong dahilan o ang mga sanhi at bunga ng pagpaparetoke ng mga artista sa Pilipinas.
· Nakatutulong sa mga susunod na henerasyon dahil ito ay magbubukas ng mga isipan ng mga taong gustong magparetoke dahil malalaman dito ang mga positibo at negatibo ng epekto nito.
· Maging gabay ang pananaliksik na ito sa mga taong nag nanais dumaan sa proseso ng pagpaparetoke.

· Hinihikayat ng mga mananaliksik na pag-aralan o pag-bigyan pansin ng mga tao ang pagpaparetoke ng mga artista sa Pilipinas upang malaman kung ang pagpaparetoke ay nakakaapekto sa pagkasikat nito.

· Nais ipahayag/ipahiwatig ng mga mananaliksik sa mga tao na hindi laging maganda ang epekto ng pagpaparetoke. Maaaring may hindi magandang epekto ito. Nais bigyan ng mananaliksik ang mga tao nang lubos na kaalaman sa pagpaparetoke upang ito ay makatulong sa kanilang desisyon kung sila pa ay papasok sa ganitong proseso

Acknowledgement:

Lubos kaming nagpapasalamat sa mga taong naging parte ng aming pananaliksik. Nais din naming magpasalamat sa ating library na nagbigay sa amin ng tamang datos at impormasyon tungkol sa pagpaparetoke. Sa aming mga kaklase na nagbigay sa amin ng iba’t- ibang ideya sa pagpili ng nararapat na paksa. Si Dr. Erwin del Rosario ay lubos din naming pinasasalamatan dahil siya ang nagsagot sa aming mga tanong tungkol sa pagpaparetoke ng mga artista at naging importanteng impormasyon ang nakalap namin sa kanya. Hindi makukumpleto ang pananaliksik na ito kung wala an gaming pakikipagtulungan sa isa’t- isa. Ang mga iba’t- ibang sites sa internet ay nakatulong din sa amin dahil sa iba’t- ibang mga showbiz blog na nababasa naming, nakadagdag ito ng mahahalagang impormasyonsa aming pananaliksik. Pinasasalamatan din naming ang aming propesor sa Filipino na si Bb. Beverly Siy, dahil sa kaniyang mga tulong, pangunawa at sa pagbigay ng mga guidelines sa aming pananaliksik. At higit sa lahat nagpapasalamat kami sa Diyos sa lakas at paniniwalang ibinigay niya sa amin upang matapos an gaming pananaliksik.






Sanggunian:






pep.com



Usapang Kapamilya: The ABS- CBN Forum